Pinagmulan ng Daigdig
Katuturan ng Heorgrapiya
Ang Heograpiya ay isang siyentipikong pag-aaral sa pisikal na anyo ng mundo. Nagmula ang salitang ito sa wikang Griyego na geos at graphia na nangangahulugang deskripsyon ng mundo. Tinatalakay ditto ang mga anyong lupa at tubig, likas at pampulitikang pagkakahati ng mga lupain, klima, mga produkto, at yamang likas ng isang lugar o bansa.
Ilan sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig:
1. Teoryang Big Bang- Ang pinakatanyag na teorya ngayon. Ayon dito, ang buong daigdig ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyon na ang nakalipas at lumikha ng higanteng bola ng apoy at nang tumagal ay nagkadurog-durog, nagging araw, buwan, planeta, mga bituin at iba pa.
2. Teoryang Planetisimal- Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
3. Teoryang Binary Star- ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.