Ang Simbahang Kristiyano
-Mayroong mga Kristiyano na nagnais na habambuhay na maglingkod sa simbahan at ihiwalay ang kanilang sarili sa ibang tao.
-Monghe ang taguri sa mga Kristiyanong ito. Tinatawag na monasteryo ang lugar kung saan sila nanirahan.
-Isa sa tanyag na monghe ay si Benedict na nagtatag ng orden o pangkat na mga kaparian na tinawag na Benedictine.
-325 CE, nagpatawag si Constantine ng pulong na dinaluhan ng mga pinuno ng simbahan.
-Ginanap ito sa Nicaea, malapit sa Constaninople sa Anatolia. Dito naisulat ang Nicene Creed na tumatalakay sa pangkalahatang paniniwala ng simbahan.
-Ilan sa binigyang-diin ng kredo ay ang pagpapanatili ng mga paniniwala na si Hesus ay anak ng Diyos at kapantay ng Kanyang kalikasan at ang mga aral at katuruan ng Judaism ay nakapaloob sa Lumang Tipan samantalang ang buhay ni Hesus ay sa Bagong Tipan ng Bibliya.
-Naging tanyag din ang ilang mga Kristiyanong manunulat at iskolar na tinawag na "Mga Ama ng Simbahan". Ang ilan sa mga ito ay sina Augustine na obispo ng Hippo sa Hilagang Africa na siyang sumulat ng "City of God" at si Jerome na siyang may-akda ng Vulgate, ang Bibliya na nakasalin na wikang latin.