Mga Ambag ng Imperyong Bizantino
1. Edukasyon
2. Paglaganap ng Kristiyanismo
3. Pagtatanggol sa Teritoryo
- Lumaganap ang kamangmangan sa Kanlurang imperyo. At nagsilbing sentro ng edukasyon ang Silangang imperyo.
- Ang mga tao ay tinuturuang bumasa at sumulat sa wikang Griyego.
- Bukod pa rito, ang malakas na pwersang pandigma ng imperyo and nagsilbing tagapagtanggol ng maraming bahagi ng Europa laban sa mga barbaro, Turko, at Arabe na naghahanap ng bansang masasakop.
- Naniniwala sila na ang sarili nila ang iniligtas nila at hindi ang kanilang bansa/lugar.
- Kapag humihingi ng saklolo ang kanluran, ang uri ng tulong na binibigay ng silangan ay karaniwang huli at walang silbi.
- Sinasabi na ginaya ng Imperyong Constantinople ang mga seremonya na dinaraos sa kanlurang imperyo.
- At kahit na bumagsak ang kanlurang imperyo, wala paring karapatan na tawagin ng mga Bizantino ang kanilang sarili na Caesar tulad ng mga ginawa ng mga pinuno sa Roma.
2. Paglaganap ng Kristiyanismo
- Nang maging Kristiyano si Constantino, hinimok niya ang kanyang nasasakupan na tularan siya.
- Nang si Theodosius I naman ang naging emperador, ginawa niyang opisyal na relihiyon sa imperyo ang Kristiyanismo.
- At dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo, naging sanhi ito ng pagkawala ng mga aktibong katangian ng lupain. Napalitan ng pasensya at karuwagan, dahil sa pangaral ng mga pari.
- Pati ang nalalabing siglang pang-militar ay nalibing na rin sa mga monasteryo, at malaking pondo ang nagamit sa kawang gawa at debosyon.
- Sa madaling sabi, ang pagiging Kristiyano ng mga Romano ay nakakabawas ng sigla at paniniwala sa mga digmaan na nagbunga ng maraming pagkatalo.
3. Pagtatanggol sa Teritoryo
- Habang nagkakagulo ang kanlurang bahagi, nasa diwa parin ng mga taga-Silangan ang ambisyon nitong mabawi mula sa mga barbaro ang Roma.
- Isa si Emperador Justinian sa nag-ambisyon nito.
- Hindi siya nawalan ng loob na ibalik muli ang kung ano ay sa kanila. Maraming buhay at kayamanan ang nawala, subalit napagtagumpayan naman niyang makuha muli ang mga lupain sa kaaway.
- Humigit kumulang sa walong bansa/lugar pa ang kanyang nasakop.
- Subalit ang tagumpay ni Justinian ay hindi madaling naalagaan. Dahil sa dami ng kanyang nasasakupan, naging kalat kalat ang kanyang mga tauhan. At nabawasan pa lalo ito ng lumaganap ang sakit at peste.
- Ang sakit na ito ay galing sa daga. Na pinaniniwalaan na galing sa Ethiopia o India.
- Marami ang namatay at naging malaking epekto ito sa pagpapatuloy ng Imperyong Constantinople.